Emo Mode
Burned at 12:55 AM
I used to have a barkada. Super close like any barkada. Ngayon wala na. I'm not saying that hindi ko na sila makontak. I'm saying na somehow, somewhere back there, sometime ago, I drifted. Super naiba yung path ko sa kanila. Hindi na kami nagkikita. Dati every week nagkikita kami, malling, chilling or kung anong trip. The weeks became months, the months became years.
I'm happy for the people na super daming katext, to find out na barkada nila yun. Kainggit. Shempre, kasi wala ako nun. I have a super bestfriend, and that's fine, pero one day nga nagkekwentuhan kami about adding other people in the group. Pero parang hindi namin magawa or kung nagagawa man namin super tagal.
So sino ang mga kandidates? Schoolmates. Hindi ko naman talaga ka-close yung mga kasama ko nung college, so Fritz lang. His working his way to become the greatest martial artist in the world (haha, goodluck p're!). Highschool? Busy silang lahat. Nagkikita pa rin naman pero hindi na kagaya nung dati. May mga ibang priorities na rin. Pero at least meron pa rin kahit papaano sa kanila. Kapitbahay? haha, wala na silang lahat. Hindi ko na nga alam kung ano meron kina Ole, Dindin, Wayne, Rachel, Boswell, Donabelle eh. Officemates? Hindi ko rin masabi. Oo nga at medyo naging close kami ngayon as compared to the last 3 years. (or maybe it's just me)
Wala lang, namiss ko lang yung times na meron kayong sariling tambayan, and dun kayo lahat nagkikita, and always mo silang makikita dun. Or yung isang text lang, kahit wala lang, go na agad. Or yung pahirapan! Yung sunduan/paalaman blues. Namiss ko din yun. Yung kailangan buong barkada pagoodshot sa parents ng lahat para mapayagan sa concert ni [insert rocker/artist here]. Of course matanda na kami so hindi na mangyayayari ito (except for one person I know. Buti na lang wala syang multiply hahaha).
Doesnt it feel nice to belong? Kahit na hindi sa syota or sa pamilya. Yung meron ka talagang group of friends na makikipagpatayan para syo?
But enough of this, may mga kailangan pa akong tapusin. Until next time na lang.
On Screen...Meet The Spartans
2 burned
swim_bud

Pero sometimes, a person's best companion is his shadow... if you know what I mean...
Cheers!
jahmeel
