well well well...wouldn't you know...
Burned at 03:40 AM
**This post is in Filipino**
2008 is the year of change for me. (oo, english ito, sorry naman.) Maraming nagbago sa akin (o ayan na). Sa sobrang dami ng pagbabago hindi ko na tuloy kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin sa buhay ko. Hindi ko na iliista dito kung ano ang mga nagbago, ang importante ay alam nyong may mga nagbago.
7 months na since nagstart ako. Medyo noticeable naman na yung mga changes. Hindi rin lang naman puro physical yung mga pagbabago. Pero kung preview itong year na ito sa mga mangyayari next year, natatakot na ako. 2009 is a bad year for me. (based on historical fact na every 3 years may masamang nangyayari sa akin).
Pagod na ako. Sobrang pagod na ako. Andaming trial and error, wala rin namang nangyayari. Sabi nila, focus muna daw in increasing my market value; may point din naman sila dun. Nakaka-inis dahil impatient akong tao. Ayokong maniwala noon, pero totoo pala. Sobrang naging complacent ako, sobrang umasa na may mangyayaring maganda, pero wala naman akong ginagawa, so pano yun? Natanggap ko na sa sarili ko na hindi ako kabilang sa mga taong uupo lang tapos biglang may mapupulot silang P1000. On the contrary, dapat super maingat dahil baka katabi mo pa holdaper.
Isang taon na lang naman ang kailangan kong hintayin. Crucial ito dahil dito natin malalaman kung goodbye na ba talaga, tatadyakan ako palabas, or mapo-promote ako. Malaking "?" yan. At dahil pagod na ako, naging mediocre na lang lahat ng mga efforts ko. Hindi na astounding yung mga results, hindi na talagang inspiring. Nagkanda leche leche na lahat. Eh pagod na ako eh. Sabi ni Jahmeel, hindi daw dapat excuse yun para makalampas ako or baliwalain na lang. Go out with a bang daw dapat hindi boot.
Sige. Buti na lang at may bagong opportunity nanaman na lumabas. Shempre, lahat kami pantay pantay na dito. (Oo, may mga mas nauna nang napromote sa akin, at naiwan na ako sa level ko.) Panahon na para ingud-ngod ko silang lahat sa sahig (figuratively speaking, of course).
Yun lang. Gusto ko lang magshare.
Isa ito sa mga bagay na magbabago pang muli. Tapos na ang nakaraan. Wala na tayong magagawa (or to be more precise, wala na akong magagawa). Ito na ang nasa harap ko, ito na ang gagawan ko ng paraan. Panahon na para ipakita sa kanila kung ano talaga ang kaya kong gawin. Na hindi lang ako yung puñetang tatawa-tawa lang jan. Kailangan ko ito para maka-survive sa mga darating na araw, specially sa 2009.
But this doesnt mean na wala akong Plans B and C. In fact, matagal na akong nagstart gumawa ng steps to ensure na hindi ako tuluyang mamamatay pag pumalpak itong gagawin ko. Multitasking na ngayon ang drama ko.
Maintain the current plan. Keep the others on standby. Keep the rest oblivious. Only the strong will survive daw eh.
Now that that's out of the way, may isa nanaman akong ishe-share pa. Alam kong parang sirang plaka na ako sa kakakwento ng lablayp kong walang kwenta pero ito nanaman ako. Ganito kasi yun.
May nagyaya sa akin na lumabas and gumimik a few days ago. Hindi naman ako prepared sa mga ganun, in fact, first time ko sa mga ganung gimik. Hindi naman talaga ako pala gimik na tao eh. Bahay at mall lang ang lungga ko. Muntik pa akong hindi sumama dahil wala akong datung at wala rin akong maisusuot na appropriate para sa mga ganung lugar/event. Ayoko namang pagdating ko dun, mamatay na lang ako sa okray ng mga tao or worse, hindi baka i-ban ako dun altogether.
Hindi naman nangyari yun and sumipot naman ako kahit late na. Masaya. Inom. (Panalo yung PUÑETA nila, pramis) Sayaw. May napaginteresan ako, so ginamit ko ang powers ko para mag-introduce kami. Kwento kwento sayaw sayaw. Masaya. Hiningi nya yung number ko. Nagtext pa kami hanggang sa umaga na, kahit bangag na reply pa rin. Pero habang tumatagal parang nawawala yung magic, and hindi yun nanggagaling sa side ko. Ampucha, selosa pa. Baka daw meron na ako, or baka may iba na chuva chever. Sinabi ko naman na hindi at sya talaga ang gusto ko. Okay. Tulog na.
The next day. Parang hindi na sya interested. In fairness, nawarningan naman ako ng mga friends ko na wag dapat mag-expect kesho ganun, kesho ganyan. Ok lang. (nagkekwento lang po ako ha, hindi ako naglalabas ng sama ng loob) So hindi ako nageexpect naman talaga. Although, the way na nagtetext kami the other day, parang hindi na yata ako pwedeng tumingin sa ibang tao. Baka alak lang yun sa part nya. Anyway, nainis ako dahil bigla nga syang nanlamig. Niyaya ko lumabas. Dinner. Para magkakilala pa kami. Andaming excuse. Sabi ko sa sarili ko, ay wala na to. Olats na. So hindi ko na pinress yung topic. Change topic na agad. Ganun ganun. Tapos I decided na wag na munang magparamdam.
Hindi na rin sya nagpaparamdam. A few days later, nalaman ko na lang na kakilala ko pala yung shota nya. Poocha, anlakas ng loob nyang ipa-feel sa akin na baka may pinagtataksilan ako, yun pala sya yun. Long distance relationship ang drama nila. Heh. Small world talaga.
Ngayon ako naman ay nagtanong sa sarili ko...since all is fair in love and war, aagawin ko ba sya sa kanyang shota, or maghahanap na lang ako ng iba. Sayang maganda pa naman ang connection namin, pero mahirap na yung ganun.
So. Ano sa tingin nyo?
DISCLAIMER: Inuulit ko, nagkekwento lang ako. Hindi ako naglalabas ng sama ng loob. 
On Screen...Kyle XY Season 1